Paano simulan ang inyong paglalakbay sa trading
Ika-1 Hakbang: Magparehistro
Upang magparehistro at magbukas ng inyong account ng IronFX, mag-click dito at punan ang form.
Ika-2 Hakbang: Kumpletuhin ang beripikasyon ng account
Upang maberipika ang inyong account, kailangan ninyong magbigay ng parehong mga dokumento ng Katibayan ng Pagkakakilanlan at Katibayan ng Paninirahan. Maaari ninyong i-upload ang inyong mga dokumento rito.
Katibayan ng Pagkakakilanlan (POI)
Kailangan ninyong magbigay ng isang may kulay na kopya ng isang may-bisang pasaporte o ibang opisyal na dokumento ng pagkakakilanlan na ipinagkaloob ng mga awtoridad (hal., lisensya sa pagmamaneho, kard ng pagkakakilanlan, atbp.). Dapat ipakita ng dokumento ng pagkakakilanlan ang sumusunod:
• Inyong buong pangalan
• Petsa ng pagkakaloob/pagkakawalang-bisa
• Inyong lugar at petsa ng kapanganakan place o numero ng pagkakilanlan para sa buwis
• Inyong lagda
Katibayan ng Paninirahan (POR)
• Isang kamakailang utility bill, hal., kuryente, gas, tubig, telepono, langis, koneksiyon sa internet at/o cable TV, pahayag ng bank account.
• Dapat ang petsa ng dokumento ay nasa loob ng nakaraang 6 na buwan at kinukumpirma nito ang inyong rehistradong address.
Kung may anumang tanong kayo, mangyaring makipag-ugnayan sa aming team ng suporta sa support@ironfx.com
Ika-3 Hakbang: Gawin ang inyong unang deposito
Kapag na-set up na ang inyong account, maaari kayong magdeposito sa inyong trading account dito at magsimulang mag-trade. Ipinapakita ng Deposito na tab sa Portal ng Kliyente ang lahat ng pagbabayad na mayroon.
Ika-4 na Hakbang: Magsimulang mag-trade
Kapag na-upload na ninyo ang mga kinakailangang dokumento at naberipika na ang inyong account, masisimulan na ninyo ang inyong paglalakbay sa live na trading.