MGA KARERA SA IRONFX
Mangarap nang malaki.
Bumuo nang mas malaki.
Tingnnan ang pinakabagong mga oportunidad sa karera sa IronFX at maghanap ng mga posisyong tugma sa iyong mga kasanayan, karanasan, at mga layunin sa karera sa hinaharap.
ANG AMING BISYON
Maging isa sa pinakamagandang mga lugar sa pagtatrabaho sa buong mundo.
Bisyon naming maging isa sa pinakamagandang mga lugar sa pagtatrabaho sa buong mundo.
Kaya patuloy kaming mamumuhunan sa aming pinakamahalagang yaman, ang aming mga tao na kapareho naming may puso para sa mga kliyente, teknolohiya, at inobasyon.
Nagbibigay kami sa aming mga empleyado ng maraming benepisyo at oportunidad, at namumuhunan din kami sa kanilang pag-unlad at kagalingan.
Masaya ang aming mga tao sa pagtatrabaho rito.
Ang pagtatrabaho sa IronFX ay nangangahulugan ng paggamit at pagpapaunlad ng iyong mga kasanayan sa isang pandaigdigang kompanya sa sektor ng pananalapi. Ipinapangako namin sa iyo ang pagsulong ng iyong karera, rekognisyon, at marami pang iba. Kung handa ka nang umangat sa isang mabilis at pabago-bagong kapaligiran na nagpapahalaga sa iyong sigasig, pagkamalikhain, at pagnanais na matuto, ang IronFX ang lugar para sa iyo!

May kaugnayan ako sa IronFX simula noong 2020 at ipinagmamalaki ko ang aming paglalakbay nang magkasama hanggang ngayon. Naranasan ko kung paano kapansin-pansing umunlad ang IronFX at naging napakagandang lugar ng trabaho ito. Hindi mapapalitan at napakahalaga ng mga karanasang natamo ko sa daan. Para sa akin, sapat na bukas at transparent ang kultura na hinihikayat nito ang malayang pagpapahayag. Bukod pa rito, ang pagtratrabaho kasama ang mga taong magkasundo ay tinutulungan akong maging mas matapang, habang pinabubuti ang aking kaalaman at mga kakayahan. Masasabi ko na ang IronFX ay isang lugar ng trabaho kung saan mas madami ang nagagawa namin nang magkasama.

Tunay na walang kapantay ang karanasan sa IronFX Careers!
Pambihira ang pagsulong ng karera dito, nagsimula akong intern at ilang taon lang at naging Head of department ako. Sa araw-araw, pinalalawak namin ang aming kaalaman sa isang kaaya-ayang kapaligiran na may maraming benepisyo mula sa kompanya.
Buong-puso kong irerekomenda sa kahit sinuman na magtrabaho sa IronFX!

Isang biyaya ang pagtatrabaho sa IronFX sa nakalipas na 10 taon. Kasama na ako sa pag-unlad ng kompanya noon pang magsimula akong magtrabaho dito bilang Payroll Officer at ngayong taon ay na-promote akong Head of Payroll. Ang pangkalahatang suporta mula sa pamunuan at mga kawani ng kompanyang ito ay makakatulong sa personal mong pag-unlad at sa pagsulong ng iyong karera. Magandang lugar ang IronFX para magtrabaho, at nagbibigay ito ng maraming benepisyo sa mga empleyado tulad ng libreng medikal, pension plan, at marami pang iba.

Ang IronFX ay isang pambihirang kompanyang mapagtatrabahuhan. Mapanghamon ngunit masaya ang kapaligiran, kaya ang bawat araw ay kapana-panabik na pagkakataon upang matuto at umunlad nang propesyonal. Suportado ang isa’t isa sa team, at pinahahalagahan ng mga namamahala ang input ng mga empleyado, at nagbibigay ng sapat na espasyo para maging malikhain sila at sumubok ng mga bagong ideya. Sa pangkalahatan, lubos kong irerekomenda ang IronFX sa sinumang gustong magtrabaho sa isang pabago-bago, mapaghamon, at masayang kapaligiran, kung saan patuloy nilang mapauunlad ang kanilang mga kaalaman at kasanayan.

Nasa IronFX na ako noon pang 2013 at mahal ko pa rin ito gaya noong unang araw ko rito. Sa panahong ito, binigyan nila ako ng plataporma para umangat ako at maipamalas ko ang mga kasanayan ko, kung saan lagi akong may natututuhang bago. Kasama ang isang diverse at mahuhusay na pangkat ng mga katrabaho, tila gumagaan ang mabibigat na responsibilidad. Napakagaling ng senior management at HR, nakaayos ang lahat para tulungan ang lahat na magtagumpay at magantimpalaan. Sumulong at umangat!
Mga Benepisyo at oportunidad.
Nagbibigay kami sa aming mga empleyado ng maraming benepisyo at oportunidad, at namumuhunan din kami sa kanilang pag-unlad at kagalingan.
Akses sa isang programa ng diskuwentong panggrupo bilang bahagi ng IronFX team.
Akses sa isang programa ng diskuwentong panggrupo bilang bahagi ng IronFX team.
Komprehensibong programang medikal ng kompanya para sa iyo at sa iyong pamilya.
Masarap na lutong-bahay na pananghalian ang inihahain araw-araw sa aming lugar.
Dahil naniniwala kami sa pagdiriwang ng mga taong bumubuo sa amin.
Paghandaan ang iyong kinabukasan gamit ang aming participation pension program.
Maging bahagi ng aming masasayang aktibidad sa kompanya.
Tingnan ang ilan sa mga litrato ng aming mga kaganapan ng kompanya, kabilang ang mga napakagandang aktibidad ng team-building tulad ng mga hapunan, outing at marami pang iba.
Tingnnan ang pinakabagong mga oportunidad sa karera sa IronFX at maghanap ng mga posisyong tugma sa iyong mga kasanayan, karanasan, at mga layunin sa karera sa hinaharap.
Thank you for visiting IronFX
This website is not directed at UK residents and falls outside the European and MiFID II regulatory framework, as well as the rules, guidance and protections set out in the UK Financial Conduct Authority Handbook.
Please let us know how would you like to proceed:
(Recommended for UK residents)
Thank you for visiting IronFX
This website is not directed at EU residents and falls outside the European and MiFID II regulatory framework.
Please click below if you wish to continue to IRONFX anyway.